Pinag-iisipan pa ni House Speaker Alan Peter Cayetano kung isusulat paba nito ang mga personal niyang reklamo laban sa ABS-CBN Corp.
Ito ay sa harap narin ng nakatakdang hearing ng House Committee on Legislative Franchises ngayong araw kaugnay sa franchise application ng network giant.
Sa isang panayam, sinabi ni Cayetano na pinag-iisipan din nito na lumiham direkta sa ABS-CBN Management at doon ilabas ang kaniyang mga reklamo at hintayin nalamang ang sagot ng kumpanya.
Binigyan diin pa ni Cayetano na bukod sa kaniya ay may personal issue din si Pangulong Duterte sa kapamilya network na nakatakda namang talakayin sa congressional hearing.
Matatandaan na makailang beses na binanggit ng Pangulo ang kaniyang pagtutol sa franchise renewal ng ABS-CBN dahil sa mga iregularidad umano nito sa pagbo-broadcast bukod pa yan sa quo warranto petition ng Office of the Solicitor General sa Supreme Court.