Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang panukalang pagbuo ng National Academy of Sports (NAS) na magsisilbing pangunahing training center para sa mga student athletes sa bansa.
Lumusot ang House Bill 6312 sa plenaryo ng kamara sa botong 206 na pabor at walang tumutol.
Ayon sa pangunahing may-akda ng panukala na si House Speaker Alan Peter Cayetano, ang pagtatayo ng National Academy of Sports ay magbibigay-daan upang lalo pang mahasa na maging pang-world class ang husay ng mga manlalarong Pilipino.
Bukod dito ay naniniwala din si Cayeyano magsisilbing inspirasyon ang sports Academy sa mga kabataan na pumasok sa sports sa halip na mahikayat sa ano mang bisyo at ilegal na droga.
Sa sandaling maisabatas ang panukala ay itatayo ang main campus at sports facilities at amenities nito sa New Clark City sa Capas, Tarlac kung saan magbibigay din ang NAS ng scholarships at mga benepisyo sa mga kwalipikadong estudyante.