Friday, March 06, 2020

Panukalang layong ibalik ang GMRC mga paaralan, niratipikahan na

Niratipikahan na ng Kamara ang panukala na layong ibalik at isama sa aralin ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa lahat ng mga paaralan sa bansa. 

Sa ilalim ng House Bill 5829 layunin nitong ibalik ang GMRC at isama sa K-12 curriculum. 

Ang GMRC ay i-introduce sa Kindergarten at
ituturing na hiwalay na asignatura na ituturo mula Grade 1 hanggang 6.

Ituturo naman itong regular subject mula Grade 7 to 10.

Layunin ng panukala na manatili sa mga kabataang Pilipino ang Etiquette at Moral Uprightness sa kabila ng pagiging moderno ng panahon. 

Si House Speaker Alan Peter Cayetano na pangunahing may-akda ng GMRC Act of 2019 ay iginigiit ang pagbabalik ng core values at moral standards sa mga kabataan lalo't lantad ang mga ito sa paggamit ng internet na nagiging source nila ng disinformation.