Monday, March 23, 2020

Panukalang emergency powers para sa Pangulo, inaprubahan na sa Committee level ng Kamara

Inaprubahan ng House Committee of the whole kaninang umaga ang panukalang maggagawad ng karagdagang kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para matugunan ang COVID-19 situation sa buong bansa.

Sa isang special session, ipinasa ng komite ang HB06616 na magdi-deklara ng isang national emrgency sa gitna ng mabilis na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Kung maipasa ng Kamara at ng Senado ang naturang panukala, ito ay mag-otorisa sa punong ehekutibo ng kapangyarihan “for a limited period and subject to restrictions” na makakatulong sa sa pagtugon sa infectious disease outbreak.

Tinatakay pa sa kasalukuyan ang panukala sa House plenary.