Nababahala si Agusan del Norte Rep Lawrence Fortun sa posibleng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng pang aabuso sa kabataan sa gitna ng enhanced community quaratine na pinatutupad ng pamahalaan.
Ayon kay Fortun dahil sa nasa bahay lamang ang lahat ng mga miyembro ng pamilya ay hindi aniya malabo na magkaroon ng pang-aabuso sa mga menor de edad tulad ng sexual abuse, child abuse at domestic violence na kadalasang nangyayari din aniya sa mga congested community.
Kaugnay nito ay ikinabahala din ng kongresista na dahil sa hirap ng buhay at kakulangan ng pagkakakitaan dahil sa lockdown ay posibleng iudyok ng ilang mga magulang, kaanak o kakilala ang ilang kabataan sa sexual exploitation, human trafficking at cybersex
Dahil dito ay hiniling ni Fortun sa Department of Social Welfare and Development o DSWD at mga local social welfare workers na pakilusin pa rin ang kanilang mga social worker sa mga pamayanan upang matiyak na hindi magkakaroon ng pangaabuso sa mga kabataan.