Iminungkahi ni Albay Rep Edcel Lagman na ilunsad ng Department of Health (DOH), sa pakikipagtulungan sa kanilang regional offices at mga local government units (LGUs) ang mga kilinika at botika on wheels upang magbibigay ng libreng medisina at medical services sa mga mahihirap na barangay sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni kay Lagman na sa pamamagitan ng mga klinika at botika on wheels ay mabibigyan ang mga mahihirap ng door-to-door na medical assistance ng hindi na nila kailangan pang lumabas ng bahay para magpakonsulta.
Kabilang sa mga gamot at medisina na pinasasama ng kongresista sa mga libreng ipamamahagi sa ilalim ng proyekto ang multivitamins at ascorbic acid, pain at fever medications, cold and cough remedies, anti-fungal at anti-bacterial ointments at mga first-aid supplies.
Bukod dito ay pinasasama din ni Lagman sa mga klinika on wheels ang mga serbisyong medikal tulad ng pre-natal and post-natal care, blood pressure and blood sugar level readings, consultations, immunization of infants and children, at simple laboratory tests.
Tinukoy ni Lagman na ang mga ito ay maaring pondohan gamit ang 2020 available funds ng DOH na binubuo ng (a) P19.090 billion “para sa pagbili ng mga gamot at bakuna ; (b) P10.5 billion “para sa social health protection program”; (c) P2.033 billion nakalaan sa family health, nutrition at responsible parenting”; at (d) P600 million para sa Quick Response Fund (QRF).