Friday, March 27, 2020

Pagkakamali ng RITM sa paglabas ng COVID-19 positive result ni Rep Yap, buong pusong tinanggap ng solon

Personal na nagtungo kay House Committe on Appropriations at ACT- CIS partylist Rep Eric Go Yap ang ilang opisyal ng Reseach Institute for Tropical Medicine o (RITM) upang ipaliwanag ang kanilang naging pagkakamali sa resulta ng kanyang COVID-19 test.
Sa facebook post ni Yap sinabi nito na personal siyang pinuntahan ng mga taga RITM ilang oras pa lamang matapos ipaalam sa kanya na siya ay negatibo sa COVID-19.
Ayon kay Yap, wala siyang hinanakit sa RITM at buong puso niyang tinatanggap ang paghingi nila ng paumanhin .
Sinabi pa ni Yap na walang dapat ipag-alala ang lahat dahil credible at competent ang RITM, dahil isang clerical error lamang naman ang nangyari.
Dagdag pa ng kongresista na bilang Chairman ang House Committee on Appropriations, titiyakin aniya na mabibigyan ang RITM ng sapat na pondo upang mas lalong mai-ayos nila ang kanilang mga pasilidad.
Sa huli ay pinuri ni Yap ang mga taga RITM at sinabi nia na tulad ng ibang mga frontliners, hindi madali ang kanilang trabahong ginagampanan sa gitna ng laban kontra COVID-19.