Mabilis na inadjourn ng House Committee on Legislative Franchises ang pagdinig nito kanina kaugnay sa ABS-CBN franchise renewal.
Sa umpisa pa lamang ng hearing ay nagkaroon na ng pagtatalo ang ilang miyembro ng komite hinggil sa ground rules ng pagdinig kung saan kabilang sa pinagdebatehan ng mga miyembro ay kung sino sa Pro o Anti sa renewal ng prangkisa ang mauunang magpapahayag ng kanilang saloobin sa isyu.
Kaugnay dito ay tiniyak naman ni National Telecommunications Commission (NTC) Commisioner Gamaliel Cordova na mabibigyan ng provisional authority ang ABS-CBN para makapagpatuloy ng kanilang operasyon sa kabila ng nalalapit na expiration ng kanilang prangkisa.
Bagaman at tumanggi si Cordova na talakayin ang legal matters kaugnay sa isyu dahil sa umiiral na subjice rule ay sinabi pa ni Cordova, susunod sila sa latest advise ng Department of Justice na bigyan ng provisional authority ang ABS-CBN.
Sa huli ay iginiit ng opisyal na magkakaroon ng legal basis ang pag-i-isyu nila ng provisional authority kung maglalabas ng concurrent resolution para dito ang Nababang Kapulungan ng Kongreso.