Thursday, March 26, 2020

ML Romualdez, Mino Abante at DS Villafuerte, handang sumailalim sa self quarantine matapos magpositibo si Rep Yap sa COVID-19

Handa sina Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, Deputy Speaker at Camarines Sur Rep Luis LRay Villafuerte, at Minority Leader at Manila 6th District Rep Bienvenido Abante na sumailalim sa 14-day self quarantine period matapos magpositibo sa COVID-19 si ACT CIS Party list Rep Eric Go Yap.
Sinabi ni Romualdez na bagamat wala siyang naging close contact kay Yap noong Lunes sa special session, minabuti na rin niyang sumailalim sa self-quarantine.
Ayon sa kanya, wala siyang nararamdamang simtomas ng COVID-19 at malakas ang katawan niya upang ipagpatuloy ang tungkulin bilang House Majority Leader sa pamamagitan ng work-from-home system.
Sa ipinadala namang viber message ni Villafuerte sa media, sinabi nito na "Yes, I will go on self quarantine. I'm feeling good, no symptoms."
Kasalukuyan namang malakas ang pangangatawan ni Abante at walang nararamdamang simtomas ng COVI-19, subalit bilang precaution, minabuti na rin niyang mag self-quarantine pati na ang kanyang buong pamilya upang makaiwas at hindi na makahawa pa sa iba. 
Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa kung sinu-sino ang mga sumailalim na sa self quarantine na mga kongresistang dumalo sa special session ng Kamara noong nakaraang Lunes.