Hindi nasasakupan ng National Telecommunications Commission o NTC na pagkalooban ng provisional authority ang ABS-CBN network makaraang mapaso ang prangkisa nito dahil sa inflexible rule, “no franchise, no operation.”
Ito ang binigyang-diin ni Albay Rep. Edcel Lagman kaugnay sa nakabinbin franchise renewal ng Kapamilya networks.
Ayon kay Lagman lumalabas na cosmetic at inconsequential ang one-day limited “hearing” ng ABS-CBN franchise renewal sa Martes, March 10 ng House committee on legislative franchises.
Sinabi ni Lagman, malinaw na nakasaad sa batas ang aplikante na mayroong existing at valid franchise ang maaring pagkalooban ng NTC ng provisional authority o ng isang certificate of public convenience and necessity.
Batay na rin sa kahilingan ni Speaker Alan Peter Cayetano, nakatuon ang hearing sa NTC na pansamantalang pagkalooban nito ng prangkisa ang broadcast giant ng provisional authority to operate habang nakabinbin ang congressional renewal ng prangkisa ng Kapamilya network.