Monday, March 16, 2020

Kamara at DSWD, magpupulong para sa mga manggagawang apektado ng Community Quarantine dahil sa COVID-19

Magpupulong ngayong araw ang liderato ng Kamara at DSWD upang ilatag ang ilang short term relief package para sa mga manggagawang apektado ng Community Quarantine dahil sa COVID-19.

Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na tinitingnan nila ang ilan sa mga ipinatupad nang mga programa ng pamahalaan upang makatulong sa mga manggagawa na apektado ang kanilang mga trabaho at hanapbuhay.

Kabilang dito ang Pantawid Pasada Program para sa mga ticycle at  jeepney drivers at ang Tulong Pang-hanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program para sa mga displaced na manggagawa.

Isa pa sa mga suhestyon ni Cayetano ay ang cash for work program.

Ayon sa kanya, kung ang isang indibidwal na siyang bread winner ng pamilya ay mag-positibo sa COVID-19 o kailangang sumailalim sa self-quarantine, maaari itong bigyan ng pinansiyal na ayuda basta mananatili ito sa kanyang bahay.

Maaari aniyang illogical ang naturang patakaran ngunit maituturing na extraordinary case ang sitwasyon na nangangailangan din ng extraordinary solution.

Aniya, tiniyak na ng DSWS na may sapat silang pondo para sa mga pantawid program.