Nagpositibo sa corona virus diseases 2019 o COVID-19 si Bulacan Rep Henry Villarica, batay na rin sa inilabas na statement ni House Secretary General Atty Jose Luis Montales.
Batay sa pahayag, huling pumasok si Villarica sa Kamara noong March 4, isang linggo bago mag-adjourn ang Kongreso para sa Lenten break.
Ayon pa sa pahayag, kabilang si Villarica sa mga dumalo sa isang event ni Baliuag Mayor Ferdie Estrella noong March 8 na kalaunan ay nagpositibo rin sa COVID-19.
Na-admit ang kongresista sa hospital noong March 12 dahil sa Pneumonia at ngayo ay stable na ang kanyang kalagayan.
Wala namang ipinapakitang sintomas ang mga miyembro ng kanyang congressional staff.
Samantala, kinumpirma naman ni Montales na nag negatibo sa COVID-19 test si Manila Teachers party list Rep Virgilio Lacson, bagamat may mga initial screening na nagpapakita ng positive results.
Sa kasalukuyan, bukod kay Villarica, unang tinamaan ng COVID-19, si House Appropriations Chairman at ACT-CIS Partylist Rep Eric Go Yap.