Aprubado na sa Kamara ang House Bill 6616 o ang "We Heal As One Act of 2020" na tinagurian ding "Bayanihan Act.”
Sinisiguro sa ilalim ng panukala ang pagkakaroon ng sapat na tulong upang matugunan ng gobyerno ang healthcare, kabilang na ang medical tests and treatments sa mga naging pasyente ng COVID-19, persons under investigation, at persons under monitoring.
Nakapaloob din sa naturang bill ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mag-purchase ng testing kits, umupa ng properties para pagtayuan ng temporary medical facilities na hindi na dadaan pa sa rules on procurement, i-require ang mga negosyo na bigyan ng prayoridad at tumanggap ng contracts for materials and services kaugnay sa pagsugpo laban sa COVID-19.
Sa ilalim naman ng penalty provision ng HB 6616, makukulong ng dalawang buwan at multang P10,000 hanggang P1 milyong piso ang sinumang lalabag sa rules, regulations and directives nito.