Iminungkahi ni San Jose Del Monte City Rep Rida Robes na gawing pansamantalang tirahan ng mga manggagawa sa Metro Manila ang mga hotel, motel, apartelle at inns habang ipinapatupad ang community quarantine.
Sinabi ni Robes na maaaring makipag-uganayan ang gobyerno sa mga establisimiyento upang maibsan ang hirap ng mga manggagawa sa araw-araw na biyahe mula sa Metro Manila palabas sa kanilang mga bahay sa probinsiya.
Bukod dito, ang araw-araw na pagpa-babalik-balik ng mga manggagawa ay maaaring makadagdag sa pagkalat ng COVID-19.
Maaari aniyang sagutin ng pamahalaan at ng employers ang kalahati ng gastos para dito.