Binigyang pugay ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga nagawa ni dating Pangulo at House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas.
Sa inauguration ng North Bridgeway na magkokonekta sa Ramon V. Mitra Bldg at North Wing ng Batasang Pambansa Complex, sinabi din Cayetano na naway magsilbing simbolo ng pagkakaisa ang nasabing tulay.
Ani Cayetano, naway magsilbing simbolo ng ugnayan sa kaniyang speakership at sa speakership noon ni Arroyo ang bagong bridgeway at maging hudyat ng ugnayan ng kani-kanilang mga pamilya.
"Hopefuly this bridge from your speakership to mine will also be a bridge from your family to mine," wika ni Cayetano.
Batid din ng House Speaker ang political difference nito noon kay Arroyo noong pangulo pa ito ng bansa.
Matatandaan na isa si Cayetano noon sa mahigpit na kritiko ng Arroyo admnistration lalo na nang pumutok ang issue sa "Hello Garci" controversy.
Samantala sa kaniyang panig, kinilala naman ni Arroyo ang political symbolism ng binuksang North Bridgeway na pinondohan sa panahon nito bilang Speaker sa huling bahagi ng 17th Congress.