Tuesday, March 17, 2020

Citizens’ complaint hotline 8888, iminungkahing gawin munang COVID-19 hotline

Iminungkahi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na pansamantalang gamitin muna bilang COVID19 Hotline ang 8888.

Sinabi ni Cayetano na bagamat mayroon nang hotline ang mga local government units at and Department of Health ay hindi na ito kinakaya ng Sistema.

Ayon sa Speaker, mayroon na rin aniyang expertise ang 8888 nang pag-traffic ng mga tawag at concern sa iba’t ibang ahensya kaya’t maaari itong i-utilize ng Inter Agency Task Force sa pag-sagot ng mga katanungan hinggil sa COIVD-19 at ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine.

Umapela na rin si Cayetano sa publiko na kung hindi naman ganung ka-urgent ang reklamo o complaint ay bigyang-daan na lang ang mga katanungan tungkol sa COVID-19

Ang hotline 8888 o Citizens' Complaint Hotline ay inilaan bilang sumbungan ng bayan.