Wednesday, March 25, 2020

Appropriations committee chairman ng Kamara, nagpositibo sa COVID-19

Noong March 12 pa ng sumailalim sa COVID-19 test si ACT-CIS Partylist Rep Eric Go Yap na kasalukuyang chairman ng House Committee on Appropriations, ngunit, dahil hindi siya dumaan sa VIP lane para sa testing ay kahapon lamang niya nalaman ang resulta nito.

Nagsasagawa na ng contact tracing sa kasalukuyan ang Kongreso sa mga nakasalamuha ni Yap sa deliberasyon na ginawa ng mga mambabatas noong March 23 hanggang sa pag-apruba kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa “Bayanihan Act” at pagpasa rin ng P1.6 billion budget ng DOH para sa COVID-19.

Sinabi ni Yap sa isang pahayag kagabi na inis at galit ang kanyang naramdaman dahil alam niya na maaaring nailagay niya sa balag ng alanganin ang buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Isa si Yap sa mga ipinatawag sa sa MalacaƱang noong nakaraang Sabado upang talakayin ang mga hakbang para sugpuin ang krisis sa COVID-19.

Ngunit ayon sa kanya, bago siya magpunta doon, nagtanong muna siya kung may resulta na ang kanyang test ngunit wala pa daw.

Kaya nananawagan si Yap sa lahat na manatili tayo ating mga tahanan at panatilihing malinis ang katawan at paligid.