Wednesday, February 05, 2020

Wala pang natuklasang vaccine o anti-viral na gamot sa novel coronavirus ayon sa DOH

Ipinahayag ng isang opisyal ng Department of Health o DOH na wala pang natutuklasang vaccine o anti-viral na lulunas sa sakit na novel corona virus acute respiratory diseases o NCoV ARD.

Sa pagdinig ng House committee on Metro Manila Development chaired by Manila 1st District Rep Manuel Lopez, ipinaliwanag ni Health Officer Dr. Gemma Arellano na sa seafood market sa China nadiskubre o ang pinanggalingan ng NCov pati na ang MersCov at nakasara na ang nasabing seafood market nito lamang Enero.

Inaalam pa din aniya ang hayop na pinanggalingan ng mikrobyo na maaring tumalon sa katawan ng tao.

Sa global update, sinabi ni Arellano na may 426 na ang namamatay sa 20,630 na kaso ng NCoV sa 23 bansa. Nasa 105 naman ang persons under investigation o PUIs ng DOH.

Bukod sa trapik at kriminalidad, sinabi ni Lopez na nakakabahala ang mga kumakalat na sakit gaya ng bird flu, H1 N1, African Swine Flu o ASF, polio at HIV/AIDS na may 44 percent o 11,000 aids victims.

Madali aniya kapitan ang Metro Manila ng mga ganitong sakit dahil narito ang airports at seaports bukod sa siksikan ang tao sa siyudad lalu na sa lugar ng Tondo.

Dinaluhan naman ng mga health officers mula sa iba't-ibang siyudad sa Metro Manila ang pagdinig.