Thursday, February 20, 2020

Utang sa gobyerno ng mga malalaking kumpanya ng kuyente, aabot sa P100 bilyon

Aabot sa P100 bilyong piso ang hindi nababayarang utang ng mga malalaking kompanya ng kuryente sa gobyerno.
Sa isang press conference, sinabi ni AnakKalusugan Party list Rep. Mike Defensor, chairman ng House committee on public accounts nangunguna ang Meralco na may utang sa Power Sector Assets and Liability Management Corporation (PSALM) sa halagang P15 bilyong piso.

Sinabi ni Defensor ipapatawag ng kanyang komite ang mga opisyal ng Meralco upang tiyakin na hindi maipapasa ang utang na P15 bilyong piso sa taumbayan. 

Ipapatawag din sa hearing ang San Miguel Corporation, Aboitiz, Northern Renewable Energy at iba pang electric cooperatives sa bansa.

Sinabi naman ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, chairman ng House committee on good government kungq sa P11 bilyong piso utang ng Maynilad at Manila Water nagalit si Pangulong Rodrigo Duterte, lalo itong magagalit kapag nalaman ganitong kalaki ang utang ng malalaking kompanya.

Malaki aniya ang magiging koleksyon ng gobyerno kapag nasingil sa Meralco ang P15 bilyong pisong utang nito. Babantayan din ng kanilang komite ang mga malalaking negosyo dahil nandito ang talamak na kurapsyon.

Sinabi nina Defensor at Sy-Alvarado matapos nilang makipag-usap kay Speaker Alan Peter Cayetano, ipaparating nila ang mga bagay na ito sa kaalaman ng Punong Ehekutibo.