Wednesday, February 26, 2020

Speaker Cayetano: Madaliin ang mga infrastructure projects upang ma-offset ang epekto ng Covid-19 sa turismo at economiya ng bansa

Hiniling ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga economic at infrastructure team na bilisan ang mga infrastructure projects ng gobyerno upang mapagaan nito ang epekto ng Covid-19 sa ekonomiya ng Pilipinas, lalo na sa tourism industry. 

Habang walang katiyakang mawala pa ang Covid-19 at naaapektuhan ang torismo, umapila si Cayetano sa economic at infrastructure team na agahan ang pag-release at pagpapagawa ng mga infrastructure projects.

Sa nakaraang joint hearing House Committees on Economic Affairs and Tourism, iniulat ng Department of Tourism inaasahang malulugi ang local tourism industry ng P42.9 billion mula February hanggang April nitong taon dahil sa virus.

Sinabi ni Cayetano na makalilikha ng maraming trabaho para sa mga Filipino at lalong lalago ang ekonomiya na nakalinya sa ilalim ng Duterte administration’s Build, Build, Build program gayundin ang ibang government small, medium, and large scale infrastructure projects.