Sinabi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na isang unconstitutional encroachment sa exclusive power ng Kongreso ang paghahain ni Solicitor General Jose Calida ng quo warranto petition laban sa ABS-CBN franchise sa Korte Suprema.
Batay sa Section 11 Article 12 ng national economy and patrimony ng Saligang Batas, tinabi ni Rodriguez na walang prangkisa, certificate or authorization sa operasyon ng isang utility gaya ng telecommunication, broadcasting at television na ibibigay ng Kongreso subalit subject ito sa kondisyon na nakapaloob sa Constitution.
Tatlong kondisyon umano ang nakapaloob sa isang prangkisa gaya ng amendment of the franchise, alteration of the franchise at repeal of the franchise.
Ayon kay Rodriguez, mayroon nang 11 panukalang batas para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, aniya, at sakaling nais ni Calida na i-repeal ang prangkisa ng ABS-CBN, kailangan aniyang maghain ng reklamo sa Kongreso.
Samantala, hinamon naman ng isa pang mambabatas si Calida na maghain din ito ng quo warranto petition laban sa Meralco, Maynilad at Manila Water.
Ang hamon ay kasunod na rin sa paghahain ni Calida ng petisyon laban sa ABS-CBN franchise sa Korte Suprema.