Friday, February 14, 2020

Quo warranto petition, maaring maka-impluwesiya sa maging sesisyon ng Kongreso hinggil sa ABS-CBN franchise

Ipinahayag ni dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque na ma-iimpluwensiyahan ng quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida ang desisyon ng Kongreso sa application ng panibagong franchise ng ABS- CBN.

Sinabi ni Roque na wala nang habol ang Kongreso sa papaso nang franchise ng ABS- CBN na siyang sakop ngayon ng quo warranto suit ng Solgen subalit ang mga paglabag ng kumpanya na inilahad sa petisyon ay maari daw gawing batayan kung dapat pabang i-renew ang prangkisa ng kapamilya network o hindi na.

Ayon kay Roque, kung mapapatunayan na may paglabag ang ABS- CBN gamit ang kanilang lumang prangkisa na nailahad sa petisyon ng OSG, posible nitong ma-impluwensiyahan ang desisyon ng mga mambabatas.

Samantala, iginiit ni Roque na kinakailangan ng ABS- CBN na kumuha ng provisional authority mula sa National Telecommunications Commission (NTC) para makapag-operate ang kumpanya kung abutan man ito ng franchise expiration sa Marso a-30.

Dagday pa ni Roque na puwedeng ipahinto ng NTC ang pagbo-broadcast ng ABS-CBN kung wala silang hawak na provisional authority na dapat ay tinatrabaho na raw ngayon ng network giant.