Sa kabila ng maagang pag-apruba ng Kamara de Representantes ng 2020 national budget sa tamang panahon, nais pa ng liderato ng Kapulungan na maging maayos ang pag-proseso sa preparasyon ng pambansang badyet.
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na nais muling silipin ng Kamara at ng Department of Budget and Management o DBM ang tradisyunal na paraan sa preparasyon ng panukalang badyet at iprisinta ito sa dalawang Kapulungan ng Kongreso.
Sa ganitong plano, sinabi ni Cayetano na magkakaron ng sama-samang pagtatrabaho ang sangay ng ehekutibo at ng lehislatura sa paglalatag ng taunang badyet.
Ayon pa sa ng lider ng Kamara, bago pa man isumite ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang budget sa Kongreso, magkakaroon muna ng konsultasyon sa nararapat na mga komite ng Kamara at ng Senado, sa halip na kanya-kanyang sa pagre-rebisa ng budget.
Matatandaang Abril ng nakaraang taon nilagdaan ng Pangulo ang 2019 appropriations law makaraang tanggalin ang diumano’y P95-bilyon pisong halaga ng last-minute pork barrel fund insertions na ginawa ng nakaraang liderato.
Bago pa man matapos ang 2019, inaprubahan ng Kamara at ng Senado ang 2020 national budget upang maiwasan ang pagka-antala ng taonang exercise.