Nagpahag ng pagka-bahala ang power bloc o ang mga partylist electric cooperatives sa Kamara sa napipintong power shortage at pagtaas ng singil sa kuryente ngayon darating na tag-init.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Apec partylist Rep Sergio Dagooc malaki ang magiging epekto nito sa lahat ng gumagamit ng kuryente dahil na rin sa kakulangan ng planta na tumatayong ancillary services grid at bagong mga planta na pupuno naman sa tumataas na taunang pangangailangan sa kuryente.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Dagooc na iisa na lang ang natitirang main government owned ancillary plant sa Luzon, ang Kalayaan Pump Storage Power Plant sa Caliraya-Botocan-Kalayaan Complex.
Batay sa datos ng Wholesale Electricity Spot Market o WESM noong 2019, tuwing tag-init, buwan ng Abril hanggang Hunyo, pinakamataas ang Spot Settlement Price dahil sa pagnipis ng supply ng kuryente.
Sinabi naman ni Philreca partylist Rep Wesley de Jesus nagpapatunay lamang na ang kakulangan ng mga bagong planta ng kuryente ay hindi na sapat ang available capacity upang matugunan ang annual demand growth rate lalo na sa Luzon.