Monday, February 03, 2020

Pina-igting ng Kamara at Senado ang mga patakaran laban sa novel coronavirus

Magpapatupad ang Mababang Kapulungan at ang Senado ng pina-igting na mga patakaran upang maseguro na hindi maka-kalat ang novel coronavirus sa mga bulwagan ng Kongreso.

May mga mamamayang bumibisita sa Kamara upang humiling ng tulong pinanasiyal sa mga mambabatas kung kaya’t ang tagapamahala nito ay magpapatupad ng lalung pina-igting na mga palisiya.

Sa isang memorandum na nilagdaan ni House Secretary General Jose Luis Montales, inirekmenda sa lahat na mga mambabatas at empleyado ng Kapulungan na nakapag-biyahe sa mga bansang may mga kompirmadong kaso ng novel coronavirus, na manatili na muna sa kani-kanilang mga tahanan 14 na araw magmula nang sila ay dumating dito sa bansa.

Pinayuhan din sila na magpa-check-up kung mayroon silang sintomas na may kaugnayan sa acute respiratory disease na pinagmulan ng 2019-nCoV.

Ipinag-utos din ni Montales ang paggamit ng thermal scanners para sa pag-screen ng temperature ng lahat na mga dumadaan sa lahat na mga entrance lobby ng Batasan at ang pag-set up ng mga tent bilang holding areas para sa taong napag-hinalaang may coronavirus.