Friday, February 21, 2020

Panukalang wakasan ang "ENDO" sa mga government workers, lusot na sa committee level sa Kamara

Aprubado na ng House Committee on Civil Service and Professional Regulation ang panukalang batas na layong wakasan ang end of contract o ENDO sa mga kawani ng pamahalaan.

Ayon kay Iligan City Rep. Frederick W. Siao, ang chairman ng komite, inaprubahan ng panel ang substitute bill na nagco-consolidate sa may labing apat na panukalang batas na nagsusulong ng regularisasyon at civil service eligibility sa mga contractual, job order, and casual government employees.

Dahil sa development, umaasa si Siao na aangat ang kalagayan ng mahigit sa animnaraang libong endo workers sa gobyerno lalo na yung mga nagtatrabaho sa LGU's na nasa mahigit apatnaraang libo ang bilang.

Samantala, bukod sa anti-endo na panukala ay inaprubahan din ng committee ang House Bill 1485 na layong kilalanin ang Microbiology bilang isang propesyon.

Ayon kay Siao, malaking hakbang pagkakapasa ng panukala sa gitna narin ngayon ng coronavirus disease scare sa buong mundo dahil importante ang microbiology sa larangan ng kalusugan at medisina.