Ipinanukala ng isang mambabatas sa Kara de Representantes na maglaan ng ₱350 milyong pondo ang pamahalaan para sa pagpapagawa ng maayos na mga palikuran o public toilet.
Ito ay upang makatulong na mapigilan ang pagkalat ng sakit na polio na karaniwang nakukuha sa dumi ng tao at sa kawalan na rin ng maaayos na sanitary facilities.
Sinabi ni Anakalusugan Partylist Rep Michael Defensor, inaasahan niyang aabot sa 17,500 na mga palikuran ang maitatayo ng DPWH buhat sa pondong ito.
Kukunin ang pondo mula naman sa 2020 budget ng DOH.
Itatayo ang mga public toilets sa mga lugar na tinukoy at pinili ng DOH partikular na sa mga lugar na wala talagang maayos na palikuran at may malaking tsansa ng pagkalat ng polio.
Para naman matiyak ang transparency at accountability sa proyekto, hiniling ni Defensor sa DPWH at sa DOH na ilagay sa kanilang mga website ang completion ng proyekto.
Batay sa tala, aabot sa 3.5 million na mga residente o 25% ng populasyon ay walang access sa maayos na palikuran.