Sa botong 228, inaprubahan ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na magpapataw ng mabigat na parusa sa pang-aabuso sa mga bata, pananamantala, at diskriminasyon.
Inamiyendahan din ng HB00137 ang Republic Act No. 7610, ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Law.
Sa ilalim ng inaprubahan batas, hahatulan ng reclusion perpetua o habang-buhay na pagkakulong ang sinumang indibiduwal na kumuha, gumamit, manghikayat o mamilit ng isang menor de edad upang ilathala sa mga malalaswa o bastos na mga pahayagan.
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano, patunay lamang ito na seryoso ang Kamara sa kanilang commitment para sa proteksyon at karapatan ng mga bata laban sa anumang pang-aabuso.
Gayundin, itinaas ang parusa para sa child labor practices mula pagkakulong ng anim na buwan hanggang sa minimum na isang taon hanggang anim na taon at multang hindi bababa sa P100,000 hanggang P300,000.