Kumpiyansa si Albay Rep Joey Salceda na may sapat na suporta mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas ang kanyang panukala na bubuo ng isang Center for Disease Control sa bansa.
Sinabi ni Salceda na siyang chairman ngayon ng House Committee on Ways and Means, na kinumpirma sa kaniya ni Senator Richard Gordon ang suporta para sa pagtatatag ng isang CDC.
Ayon kay Salceda, matutugunan ng CDC ang “verifiable information” na crucial o mahalaga sa onset ng mga emerging and communicable diseases gaya na lamang ng kinakaharap nating 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease o NCOV-ARD sa kasalukuyan.
Aniya, maliban sa pagtutok sa research at pag-tugon sa mga nakahahawang sakit, ang CDC na lamang ang tanging ahensya na magsasalita, magbeberipika at magbibigay ng mga impormasyon hinggil dito.
Sa huli, iginiit ni ng mambabatas na verified ang impormasyon na maibibigay sa CDC dahil mga medical experts ang mamamahala nito.