Posibleng matagalan pa ang pagtalakay ng House Committee on Legislative Franchises sa franchise renewal bid ng ABS -CBN Corporation .
Ayon kay Isabela Rep Tony Pet Albano na siya ring Vice Chairman ng komite, sa ngayon ay wala pang pormal na pagdinig ang house panel para sa prangkisa ng kapamilya network dahil sa tatalakayin pa aniya ng mga myembro ng komite ang merito ng mga pro at against sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Kasabay nito ay nilinaw din ni Albano na magmomosyon lamang ang kanilang Chairman na si Palawan Rep Franz Alvarez , na tinatanggap na nito ang position papers ng mga kongresista patungkol sa renewal ng prangkisa ng giant network .
Una nang sinabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na posibleng pagkatapos pa ng SONA o sa Agosto na ito mauumpisahang dinggin sa Kamara.