Ang kahinaan ng mga senior citizens sa 2019 novel corona virus o nCoV ay nagpapatunay na kailangan ang isang national health center na espesyalista sa pag-aalaga sa kanila.
Sinabi ni Minority Leader at Manila 6th District Rep Bienvenido Abante Jr. na nasa 490 na ang bilang ng mga namamatay sanhi ng nCoV outbreak sa China, 349 ang naiulat na namatay o nasa 80% ng fatalities ay nasa edad animnapu pataas.
Ayon sa Department of Health, tatlong indibiduwal sa Pilipinas ang kompirmadong nahawa ng virus. Huling kaso nito ang isang 60 years old Chinese woman.
Dahil dito, nanawagan si Abante sa kapwa nya mambabatas na suportahan ang kanyang inihaing HB03939 na layong i-convert ang National Center for Geriatric Health (NCGH) sa National Geriatric Health and Research Institute (NCGHRI) upang itatag ang isang fully-operational hospital na mangangalaga sa kalusugan ng mga senior cirizens.
Sa kasalukuyan, ang NCGH ay outpatient department sa ilalim ng Jose Reyes Memorial Center At hindi pa ito operational dahil sa kawalan ng batas para payagan sa kanilang operasyon.