Monday, February 10, 2020

Mga frontiners sa pagsusgpo ng 2019 NCoV ARD, pinabibigyan ng hazard pay ng isang mambabatas

Nananawagan ngayon si Iligan City lone District Rep Frederick Siao sa pamahalan na bigyan ng hazard pay ang mga kawani ng gobyerno na nasa frontline para mapigilan ang pagkalat ng 2019 Novel Corona Virus -Acute Respiratory Disease o NCoV-ARD sa bansa.

Sinani ni Siao na siya ring Chairman ng House Committee on Civil Service and Professional Regulation, nararapat lamang na bigyan ng hazard duty pay ang mga government personnel tulad ng medical doctors, nurses, laboratory technicians at mga DOH personnel sa gitna ng NCoV outbreak dahil nalalagay din ang buhay ng mga ito sa alanganin.

Ayon pa sa kobgresista, pang mga ito ay direktang nakakasalamuha ang mga pasyente na possible carrier ng Virus sa mga ospital, tourism establishments, mga entry points ng bansa at maging ang mga nagsasagawa ng contact tracing.

Dahil dito, hiniling ni Siao sa Department of Budget of Management o DBM at sa Civil Service Commission (CSC) na aksyunan ang kanyang panawagan para narin sa kaligtasan ng mga apektadong government workers.

Ngunit nilinaw ng mambabatas na ang pagbibigay ng naturang hazard pay ay limitado lamang at hindi appicable sa lahat ng mga nagtatatrabo sa gobyerno bagay na dapat ikonsidera ng mga mga magpapatupad nito.