Ipinahayag ni ACT CIS Rep. NiƱa Taduran ang kanyang pagaalala sa kakulangan ng proteksyon para sa mga anak na maa-apektuhan ng paghihiwwalay ng kanilang mga magulang kapag naisabatas ang panukalang Divorce Bill.
Bagamat nakasaad sa probisyon ng panukala ang pangangalaga at kostodiya ng mga anak, naniniwala si Taduran na dapat pa rin marinig ang boses ng mga anak sa naka-ambang paghihiwalay ng kanilang magulang.
Sinabi ni Taduran na ang emotional at mental well-being ng mga anak na apektado ng paghihiwalay ng kanilang mga magulang ay isang primordial concern. Kailangan aniyang marinig sila pati na sa pag-kakasundo sa panahon ng six month-cooling off period ng mag-asawa.
Naka-focus lang aniya sa issue ng mag-asawa, nakakalimutan ang mga anak na biktima ng sitwasyon. Pakinggan aniya ang kanilang opinyon sa hiwalayan ng kanilang mga magulang. Baka sakali ring maayos pa ang relasyon ng mag-asawa kung maririnig ang boses ng kanilang mga anak.