Ipinhayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na prayoridad pa rin ng Kamara ang paglilikha ng Departments for OFWs, Disaster Management, and Water, at pagsasa-ayos ng K to 12 program.
Humahanap din umano sila ng mga paraan upang mapabuti ang national health preparedness sa gitna ng global threats at upang palakasin ang kampanya ng administrasyong Duterte sa anti-illegal drugs at anti-corruption.
Dahil dito, hindi siya sang-ayon na madaliin ng House committee on legislative franchises ang pagtalakay pabor man o kontra sa franchise renewal ng ABS-CBN Broadcating Company na magtatapos sa Marso 30, 2020.
Ayon kay Cayetano, kung sasabihin ng bawat panig na ito'y importanteng pag-usapan, naki-usap siya na bigyan sila o ang Kongreso ng marapat na pagpapahalaga sa naturang isyu.
Aniya, masisira ang momentum sa mga accomplishment ng 18th Congress, gaya ng maagang pagsasabatas ng 2020 General Appropriations Act, ang Salary Standardization Law for Nurses and Teachers, ang Malasakit Centers Act, at marami pang landmark legislations.