Nakatakdang magpasa ng supplemental budget ang House Committee on Health para maagapan ang pagkalat ng 2019 novel Corona Virus sa bansa.
Sinabi ni House Committee on Health Chairman Rep Helen Tan na aabot sa P900 Million ang supplemental budget na ibibigay sa Department of Health laban sa NCov.
Sa kasalukuyan, hinihintay na lamang ng komite ang proposal mula sa DOH kung saan ilalalagak ang dagdag na pondo.
Samantala, hiniling ni Tan na palakasin pa ang Research Institute for Tropical Medicine at dagdagan pa ang bed capacity nito para sa mga infectious diseases na aabot lamang sa 50 ang bilang sa kasalukuyan.
Pinag-aaralan din ng komite kung papaano naman nakapasok sa bansa ang flight ng mga Chinese sa kabila ng travel ban advisory ng gobyerno ng Pilipinas.