Sa hindi malamang kadahilanan, biglang inajourn ng Kamara ang sesyon ngayon hapon wala pang limang minuto matapos ang pambansang awit ng Pilipinas.
Sa ambus interview kay Buhay partylist Rep Lito Atienza sinabi niyang natatakot umano ang ilan sa kapwa niya mambabatas sa kanyang itatanong kung bakit hanggang ngayon hindi umaaksyon ang House committee on legislative franchise partikular ang sa ABS-CBN network.
Suspetsa ni Atienza, may itinatago umanno ang komite kaya't ayaw talakayin ang renewal franchise ng Kapamilya networks.
Samantala, binalewala ng House Committee on Legislative Franchises ang panawagan ni Atienza na magbitiw bilang chairman nito si Palawan Rep Franz Alvarez dahil sa hindi pag-usad ng 11 panukala batas para sa ABS-CBN franchise renewal.
Ayon kay Isabela Rep Antonio Albano, Vice Chairman ng legislative franchises naniniwala siya na hindi sinusuportahan ng mga myembro ng komite ang rekomendasyon ni Atienza.
Kaugnay pa nito, ipapatawag ng legislative franchise committee si Solicitor General Jose Calida upang alamin ang nilalaman ng inihain niyang quo warranto petition na magkakansela sa prangkisa ng ABS-CBN network.