Tuesday, February 18, 2020

Labingtatlong site, idideklara ng House panel bilang protected areas

Labingtatlong mga lugar sa walong probinsiya ang idideklarang protected area makaraang pagsamantalahan ito ng mga komersiyo at wasakin ang kalikasan.

Nakasaad ito sa anim na panukalang batas na inaprubahan ng House committee on Natural Resources na pinangunahan ni Cavite Rep Elpidio Barzaga Jr.

Ayon kay Barzaga karagdagan ito sa mahabang listahan ng watersheds, hills, mountains, parks, forest lands, at natural landscapes na idideklarang protected areas sa ilalim ng Republic Act No. 11038, o ang Expanded National Integrated Areas System (ENIPAS) Act of 2018.

Ayon pa sa mambabatas, ilang dekada na rin ginamit ito sa komersyo at sobrang sinamantala nito ang kalikasan.

Kailangan aniyang patubuin muli ang mga punong-kahoy at mapanatili ang mga ito upang pakinabangan ng susunod na henerasyon.

Sakop ng bagong protected sites ang may kabuuang 332,456 na ektarya lupain at kasama rin sa listahan ang Mt. Arayat sa lalawigan ng Pampanga.