Thursday, February 13, 2020

Katapangan ng 10-person health response team na tutungo sa Wuhan China para mga Filipino repatriate, kinilala ng Kamara

Naghain sina House Speaker Alan Peter Cayetano, Majority Leader Martin Romualdez at Minority Leader Benny Abante ng isang resolusyon at kaagad na inaprubahan ang nasabing kapasyahan na kumikilala sa katapangan at kabayanihan ng 10-person health emergency response team na nagtungo sa Wuhan China para sunduin ang mga Pilipino na nais magpa-repatriate.

Sa ilalim ng House Resolution 711, kinilala at pinapurihan ang tapang at malasakit ng tatlong kinatwan mula DFA, lima mula DOH at dalawa mula sa consulate general sa Shanghai na hindi alintana ang pag-punta sa ground zero para lamang alamin ang kalagayan ng mga kababayan natin na naroroon.

February 9 nang dumating sa bansa ang naturang health emergency response team kasama ang tatlompung OFW at kasalukuyang nasa Athletes’ Village sa New Clark City Capas Tarlac para sa 14 day quarantine.