Tuesday, February 25, 2020

Iginagalang ng Kamara ang ginawang imbestigasyon ng Senado sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Ayon kay House Committee on Legislative Franchises Franz Alvarez, inirerespeto nila ang separation of powers ng dalawang kapulungan. 

Mayroon naman aniyang hiwalay na imbestigasyon dito ang Kamara at oobserbahan nila kung anuman ang magiging resulta ng pagsisiyasat ng Senado. 

Wala ring pressure sa Kamara ang ginawang public hearing ng Senado kaugnay sa franchise renewal ng broadcast network.

Sa kasalukuyan ay mayroong 11 panukala na nakabinbin sa Kamara  na nag eendorso sa franchise renewal ng giant network at hindi pa ito natatalakay kahit na nakatakda itong mag expire sa Marso 30.

Tiniyak naman ng chairman ng komite na aaksyunan nila ang nasabing isyu sa pagitan ng Mayo o Agosto  bagamat hindi pa ito nai-ka-kalendaryo.