Mariing tinanggi ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco ang ulat na binabalak niyang patalsikin sa puwesto si House Speaker Alan Peter Cayetano.
“I am issuing this statement to once and for all end baseless reports attributed to unnamed sources and sly innuendos being peddled by certain camps with vested interests within and outside the halls of Congress on the supposed ‘coup plan’ to change the leadership of the House of Representatives,” saad ni Velasco.
Aniya, pinalutang lamang ang isyu ng kudeta upang magkaroon ng malalim na hidwaan sa Kamara at ng mga miyembro.
Idinagdag pa ni Velasco na ang alegasyon laban sa kanya ay sumisira sa kanilang samahan at sagabal sa trabaho ng mga mambabatas lalo na sa pagsusulong ng legislative agenda ng administrasyong Duterte.
Tiniyak pa ni Velasco na patuloy niyang susundin ang term-sharing agreement nila ni Cayetano na kinasa mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2019. Sa 15-21 sharing agreement ng dalawa, maninilbihan si Cayetano ng 15 buwan hanggang Oktubre 2020 at 21 buwan naman si Velasco.
“From the beginning, I never had any intention of reneging on this agreement. Tayo po ay lalaking may isang salita,” diin ni Velasco
“To my colleagues in Congress, let’s continue to do our mandate to serve our constituency and provide services to people who elected us into office.
Our people deserve to enjoy the fruits of progress under President Duterte,” dagdag pa niya.
Nanindigan naman si Cayetano na si Velasco ang utak ng tangkang kudeta sa Kamara.
Sa ambush interview sa Taguig City, siniwalat ni Cayetano na inaalok umano ni Velasco ng chairmanship ang mga kongresista kung susuporta sa kudeta sa Kamara.