Thursday, February 20, 2020

Bumuo ng command center ang PAGCOR kasama ang Department of Justice na may mandatong tutukan ang cybercrime.

Sa hearing sa kamara, iginiit ni Atty. Jose Mari Tria Jr, Vice president ng PAGCOR Offshore Gaming, ginawa ang task force upang maayos na matugunan ang mga POGO related crimes sa bansa.

Popondohan ng PAGCOR ang command center habang sa DOJ naman mangagaling ang manpower.

Sa pamamagitan nito ay matitiyak na magkakaroon ng case filing sa tuwing magsasagawa ng raid ang law enforcement agencies at magkakaroon ng direktang access sa Chinese police at Chinese embassy.

Batay sa datos ng PNP-Anti Kidnapping Group mula 2019 hanggang 2020, nasa 10 insidente na ng POGO related kidnapping ang naitatala habang 36 na suspect ang naaresto at 8 kaso ang naihain sa korte.