Aapela ang kamara kay Pangulong Duterte para madagdagan ang pondo ng AFP Modernization Program kasunod na rin ng pag-basura sa Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, nakikipag-ugnayan na siya sa AFP upang alamin kung ano ang mga gamit na kulang at mga proyektong dapat gawin para mapalakas ang kapabilidad ang AFP.
Aniya, maaaring iakyat ng hanggang sa P5-B ang pondo para sa modernization program para sa rehabilitasyon ng mga eroplano ng Airforce sa halip na bumili sa ibang bansa.
Dagdag din nito na hindi naman makakaila na dahil sa tulong ng Estados Unidos ay lumakas ang defense capabilities ng AFP pero ngayong rin aniya masusubok ang totoong pagkakaibigan ng Pilipinas at US.
Sa huli, naniniwala si Cayetano na dating nagsilbi bilang Foreign Affairs Secretary sa ilalim ng admnistrasyon na tama at napapanahon ang hakbang ng Pangulo laban sa VFA para ma-improve ang kapasidad ng Armed Forces.