Hiniling ni Kabayan partylist Rep. Ron Salo sa lahat ng government financial institution na tulungang kompunihin ang mga kabahayan sa lugar ng Batangas at Cavite na apektado ng pagsabog ng Taal volcano.
Umapilasi Salo sa PAGIBIG Fund, Government Service Insurance System o GSIS, at Social Security System o SSS na madaliin ang calamity and home repair loans na maging available sa kanilang miyembro sa mababang interest rate.
Ayon kay Salo ang aktuwal na pagkumpuni sa mga kabahayang nawasak o natabunan ng ashfalls ay madaling maisaayos subakit matagal ang proseso ng mga application loans.
Nanawagan ang mambabatas sa Securities and Exchange Commission o SEC na lansagin ang loan sharks. Dapat aniyang tiyakin ng SEC na hindi mapagsasamantahan ng mga tiwaling lenders ang mga kababayang Filipino.
Sa huli, nanawagan din si Salo sa Department of Social Welfare and Development o DSWD na maagang ipamahagi ang cash assistance sa dati at baguhang benepisaryo ng 4Ps na biktima ng kalamidad sa pagsabog ng Taal volcano.