Thursday, January 09, 2020

Pag-apruba sa OFW bill tiniyak ng liderato ng Kamara, kaunaunahang malaskit center sa Taguig City pinasinayaan hapon

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na isasabatas ng Kongreso ang Department of Overseas Filipino Workers upang ang mga krisis tulad ng tensyon sa Gitnang Silanagn ay madaling maisaayos at iba pang problema ng bawat Filipinong manggagawa sa ibang bansa.
Ayon kay Speaker Cayetano kabilang din sa bibigyang prayoridad ng Kongreso ang pag apruba sa department of disaster resiliance at department of water upang mabigyan ang bawat mamamayang Filipino ng maginhawang buhay.
Kaugnay nito, pinangunahan ni Speaker Cayetano kasama sina
Senator Christopher Bong Go at House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez sa paglulunsad ng Malasakit Center sa Taguig-Pateros District Hospital sa Taguig City.
Ang Masalakit Center, isang inter-agency one stop medical services at assistance center facility na siyang tutulong upang madaling maisaayos ang mga dokumento medikal ng mga pasyente.
Ang Malasakit Center sa Taguig-Pateros District Hospital na pinonduhan ng administrayong Duterte ng halagang P5 milyon piso ay karagdagan sa kabuuang 74 na naitayong centers nationwide, kabilang na ang 28 centers sa ospital na pinangangasiwaan ng mga local government units.