Hinikayat ni House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na gamitin ang kanilang pondong P221 million pesos upang i-upgrade ang monitoring at warning program para sa volcanic eruption, earthquake at tsunami.
Kasunod ito ng mga reklamong natanggap ni Romualdez mula sa mga residente ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) ang kakulangan ng sapat na kagamitan kaugnay sa pagputok ng Taal volcano nitong Linggo ng hapon.
Ito rin aniya ang dahilan kaya isinama ng Kongreso ang mahigit na P221.48 million capital outlays sa P588.12 million total budget ng Phivolcs para sa taong 2020.
Ayon kay Romualdez kailangang i-upgrade ng bansa ang monitoring at warning programs para volcanic eruption, earthquake at tsunami.