Friday, January 10, 2020

Minimum wage, dapat i-akyat sa P650 accross the board

Iginiit ngayon ni Kabayan Partylist Rep.Ron Salo na kailangang mai-akyat sa P650 ang across the board minimum wage bilang solusyon upang hindi na mangibang bansa pa ang mga Pilipino.
Ang pahayag ay ginawa matapos ang nakaambang repatriation program ng gobyerno sa libo-libong mga overseas filipino workers sa middle east dahil sa tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.
Ayon kay Salo, ito ang natatanging solusyon na maaring gawin ng pamahalaan para matugunan ng bawat pamilyang pilipino ang kanilang arawang pangangailangan.
Punto pa ng kongresista, ang pagkakaiba sa arawang sahod ng mga manggagawa sa urban at rural areas ang dahilan kung bakit marami sa mga pinoy ngayon ang sumusugal na mangibang bansa.
Noong 17th Congress, naghain si Salo ng panukalang batas na nag- aatas ng P600 na arawang sahod subalit tinaasan niya ito sa P650 sa bago niyang panukala ngayong 18th Congress.
Sa huli, umaasa ang kongresista na magkakaroon ng pagbabago sa pasahod sa bansa upang makumbinse ang mga Pilipinong manggagawa na manatili nalamang sa bansa.