Thursday, January 09, 2020

May-ari ng mga establisyemento kung saan nanakawan ang customer, may pananagutan

Ipinanukala ngayon ng isang mambabatas na parusahan ang mga operator ng mall, hotel, ospital, paaralan at iba pang establisyemento sa panahon na manakawan ang sasakyan ng mga customer nito habang nasa loob ng parking spaces.
Ito ay matapos manakawan at mabiktima kamakailan ng basag- kotse gang si ACT- CIS Partylist Rep NiƱa Taduran habang nakapark ang kotse nito sa loob sa isang mall sa Quezon City.
Sakop ng House Bill 3262 ni Valenzuela Rep Wes Gatchalian na magkaroon ng accountability ang mga establishment owners sa bawat danyos na maitatala sa mga parking spaces ng kanilang establisyemento.
Layon naman ng panukala na pagbawalan ang mga mall operators sa pag-iissue ng waiver of liability kung saan nakasaad na walang pananagutan ang isang establishment sa bawat property loss o damage na maitala sa loob ng kanilang bisinidad.
Bukod dito ay pinatututukan din ng kongresista ang paglalagay ng maraming CCTV Camera sa parking spaces at pagpapaigting ng seguridad upang hindi na makalusot pa ang mga kawatan.