Isusulong ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang long-term solutions para sa mga Overseas Filipino Workers na naipit sa kaguluhan sa Middle East upang matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad.
Sinabi ni Speaker Cayetano na napapanahon na upang isabatas ng Kongreso ang Department of Overseas Filipino Workers na siyang mangangasiwa sa mga pangangailangan at ayusin ang problema ng mga Overseas Filipino Workers.
Mayroon na aniyang mahigit sa isang milyong overseas Filipino ang nagta-trabaho sa buong Middle East at kailangan na umano ng bansa ang matibay na contingency at long-terms plans upang maiwasan ang mga problema sa hinaharap.
Muling itatakda ng House committee on OFW ang special hearing upang talakayin ang repatriation program sa mga OFWs na naipit sa maguluhan sa Middle East.