Nananawagan si Iloilo 1st District Rep. Janette Garin sa mga kababayan Filipino na huwag pagsamantalhan o pagnakawan ang mga biktima ng trahedya sa pagsabog ng bulkan Taal at ng mga lindol.
Ayon kay Garin matindi na ang panic ng mga tao, wag na itong dagdagan pa. Ang panic aniya ay parang abo ng bulkan, mabilis kumalat at nakamamatay kapag pumasok sa isang sistema.
Sa kasaysayan, sinabi ni Garin na ang Filipino ay nagwawagi sa lahat ng mga pagsubok at matatag sa anumang kalamidad kung magtutulungan ang lahat.
Nanawagan din ang dating kalihim ng Department of Health na ang matagal na exposure sa ashfall ay maaring magkaroon ng problema sa baga, mata at skin irritation.
Pinayuhan ni Garin ang lahat na mas mabuting manatili sa loob ng bahay at kung lalaban man mainam na magsuot ng protective gear gaya ng face mask upang maiwasang makalanghap ng ashfall o usong na ibinuga ng bulkang Taal.