Tuesday, January 07, 2020

Handa sila sa Kamara na tugunan ang kahilingan ng Pangulo para sa isang special session, Speaker Cayetano

Handa ang Kamara de Representantes na tugunan ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa Kongreso na mag-convene ito sa isang special session para tulungan siyang i-map out ang mga contingency plans kaugnay sa kasalukuyang tensiyon sa Gitnang Silangan.
Ito ang tinuran ni House Speaker Alan Peter Cayetano bagama’t ayon sa kanya, hinihintay pa muna nila ang pormal na komunikasyon galing ng Malakanyang na siyang gagabay sa kanila kung ano ang aasahan sa kanila sa naturang special session.
Habang hinihintay ang nabanggit na komunikasyon, sinabi ng Speaker na inatasan na niya ang House Secretariat na gawin na ang anumang paghahanda para sa isang special session.
Sinabi ng lider ng Kamara na ang pronouncement ni Pangulong Duterte na ang timitinding tenaion sa Middle East ay saing major concern na kailanangan ng kagyat na legislative attention at handa umano sila sa Kongreso na bigyan ang Ehekutibo ng kinakailangang kapangyarihan upang maseguro na ang bawat Filipino ay ligtas at secure sa ganitong mga trying times.
Idinagdag pa ng solon na kasama sila sa pagdarasal para sa safety ng mga OFWs na na-deploy sa Middle East at iba pang bahagi ng mundo.